foodventures
Sweet Kirsh Cafe: Pasta and Lemonade
Out of nowhere napapunta na naman ako sa Sweet Kirsh. Since wala kaming maisipang puntahan this afternoon, we decided to try eating at Sweet Kirsh Cafe. Na feature ko na nga pala siya before pero dun yun sa dati nilang branch. Burger and Monster Shakes ang bida noon, pasta and lemonades naman ngayon.
Dahil paborito ko ang Carbonara, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at syempre kailangang swabe din ang drinks na kapartner.
CARBONARA WITH BACON |
Creamy carbonara siya. Masarap naman siya pero mataas kasi talaga ang panlasa ko pagdating sa pagkain at when it comes to carbonara mas preferred ko talaga eh yung medyo maalat. Pero ang alam ko madami ang may gusto ng creamy, kaya try niyo itong Carbonara nila.
TUNA PESTO |
Ito naman yung inorder ng friend ko, the Tuna Pesto. Parang anything with green eh ayoko sa pasta. Parang di ko kayang tikman! Pero sabi ng friend ko, sulit daw sa halagang Php 94.00 kasi solo serving man siya e masarap naman daw. Napaka affordable talaga ng menu ng Sweet Kirsh.
PINK LEMONADE LYCHEE FLAVOR |
Siguro isa to sa mga mabentang pagkain sa Sweet Kirsh, pink color eh. Napaka girly ng dating. Refreshing at swabe ang flavor niya. Perfect for pasta, picture perfect for insta.
CUCUMBER LEMONADE |
Nakauwi na ako at lahat ay nalalasahan ko pa din ang cucumber. Gusto ko na tuloy kumanta "Do you have to, do you have to let it linger?". Masarap din siya pero medyo bitin. Alam niyo ba na Php 18.00 lang ang bawat lemonade na to? Dapat siguro meron silang Unli Lemonade na offer. Sa tingin ninyo?
Medyo di ko to nagustuhan. Akala ko ay kasing sarap siya ng Nachos na natikman ko last time. Ang kaso nito ay parang na over cooked yung fries and medyo matabang yung beef. Okay naman yung sauce pero di ko talaga nagustuhan yung fries niya.
BEEF FRIES WITH CHEESE SAUCE |
Medyo di ko to nagustuhan. Akala ko ay kasing sarap siya ng Nachos na natikman ko last time. Ang kaso nito ay parang na over cooked yung fries and medyo matabang yung beef. Okay naman yung sauce pero di ko talaga nagustuhan yung fries niya.
Hindi pa din nawawala yung graffiti wall nila. At hindi pa din ako nagsusulat. Until next foodventure, madami pa kasi akong di natitikman dito sa Sweet Kirsh. Keep posted!
Sweet Kirsh Cafe is now located at P. Burgos St. corner Mabini St. Brgy. 11 Batangas City
Opens from 11AM - 8PM
http://facebook.com/sweetkirsh.official.page
Post a Comment
0 Comments
Thanks for reading my blog! I'd love to hear from you!