He Brews Cafe Mabini St.

Pinakamahirap na tanong ay "saan tayo kakain?" tapos ang sagot sayo ay "kahit saan". Bakit nga ba ganun ano? Katanghaliang tapat yagyag kami ng pinsan ko sa bayan kung saan manananghalian. Paano ba naman, masarap sana ang burger kaso alas dos pa ang bukas. Masarap sana ang sisig kaso sobrang init na ng panahon. Buti na lang He Brews saves the day. Sakto din namang di pa siya dun nakakakain. Twas my 3rd na but my 1st in this branch.



Dati kasi nasa malapit sa Traders ang branch nila tapos sobrang liit. Na blog ko na nga din pala yun dito.




Tapos naglagay sila ng branch sa Alangilan mas malaki kumpara sa nasa bayan. Nagbukas din sila ng branch dito sa Mabini Street kaso ngayon lang ako nagkatime kumain dito. Medyo alangan din kasi ang location para sa akin.


Mas malaki ito kesa dati. Tapos di pa crowded ang mga mesa. Malaki na din ang bar nila at malinaw na yung menu board. In fairness, improving sila.


Kung mapapansin mo, sobrang affordable ng nasa menu nila. Yung tipong parang gusto mong i try lahat. Matakaw talaga ang peg ko sorry! Tapos iba iba ang pagpipilian, may pasta, rice meals, frappe, hot and cold drinks, sandwiches at meron ding side dishes. Sobrang dami ko pang di na tatry sa menu kaya gusto ko ulit bumalik dito.


Syempre dahil tanghalian, swak na swak yung rice meals. Isa pa sa nagustuhan ko dito e napaka swabe ng background music nila. Di mo mamamalayan na matagal ang order mo kasi mapapakanta ka na lang eh. Di ko napansin kung may wifi, busy ako kakapicture at kakasabay sa kanta.


Eto yung inorder ng pinsan ko: Korean Chicken Wings. Yung pinili niya e 3 pieces lang pero pwede din ito for 6 pieces. Biruin mo yun Php70 lang parang Jollibee na din ha pero atleast iba naman sa panlasa. Kaya wag kayong matakot mag try sa iba. Akala kasi nila pag sa iba kumain e mahal. Kung tutuusin mahal na din kaya ngayon sa mga food chains. Yung Honey Lemonade syempre eh sa akin kasi masakit ang lalamunan ko. Favorite ko din kasi ito. Humingi ako ng isang piraso tinikman ko at kalasa siya ng Honey Flavored wings.


Di ko din pinalampas ang BBQ Liempo para kung sakaling isasama ko dito ang mommy ko eto yung ipapa order ko sa kanya. Aba masarap din naman nga. Lasang lasa yung marinade niya at juicy. Medyo bitin ang rice grabe!


Nag order ako ng side dish, yung Potato Wedges. Naalala ko yung home made potato wedges ko. Malapit na sa lasa nito yun eh. Magkaiba lang kami ng coating na ginamit. haha Masarap din ito promise!


Self service nga pala dito. Tingnan niyo kung gaano nag improve yung place nila. Gandang ganda talaga ako. Ang simple lang kasi tapos maluwang. Malinis at cozy ang place.


Meron pa din silang mga scriptures sa wall. Black and white accent at minimalist.



Pwede na ulit bumalik dito next month para ma try ko yung iba pang nasa menu nila at ma iupdate ko kayo. Na try niyo na ba dito? Visit na!

He Brews Cafe
Mabini St. Batangas City
Opens from 10AM-8PM

Post a Comment

0 Comments