Pachamba Series

Mahirap kapag nakasanayan mo ng hindi ka nagluluto sa bahay ninyo. For 30 years, nasanay ako na ang mommy o ang tatay ang in charge sa kusina. Ako? Taga lamon. Naranasan ko lang magluto nung 2007 kasi nagtrabaho ako sa Laguna noon. Pero madalas prito prito lang din naman.

Ngayong may asawa na ako at isang anak, yung excitement na nakabukod ka ng tirahan at mapagsilbiban ang iyong asawa ay talaga namang walang katulad. Mahilig magluto ang asawa ko, lalo na yung paborito niyang Sinigang na Baboy. Wala atang linggo o buwan na hindi siya nag-ulam nun. Ayaw ko naman dahil ayaw ko ng masabaw. Pero syempre, if a way to man's heart is through his stomach e di isa na yun sa pag-aaralan kong lutuin. Actually tinuruan niya ako noong magluto ng Sinigang.



Last week sinimulan ko ang aking "kitchen adventures" at nagpaka kusinera ako. Wifey duties ika nga. Nung una di ako magkaintindihan kung anong lulutuin at kung pano ako magsisimula o mamamalengke. Madaya ako kasi andiyan si mommy na taga pamalengke ko. Haha! Tara kain tayo ng mga naluto ko nitong nakaraang linggo.

Sinigang na Hipon


Buttered Garlic Shrimp




Pork Steak


Fried Rice ala ChaoFan

LeighcheFlan (requested version of leche flan of my friend named after her)

Follow niyo ako sa instagram, dun ko pinopost ang mga niluluto kong Pachamba.

Tawa lang ako ng tawa kasi hindi naman siya ganun kasarap pero pwede na. Makakabisado ko din sila sa susunod pang mga try. Diba try and try until you give up, este until you succeed. Hope you enjoy my Pachamba Series, kasi kung hindi, help me with my next kitchen adventures para mapasarap ko naman ang susunod na lulutuin ko.




----
- HELPING TAGS -
#alaehbloggers #foodventures #wandermom #batangasblogger #mommyblogger #pachambaseries #rubierecipe #rubitakusinera #lutongbahay #pagkaingpinoy #z5cphotography #photoscape #aviary

Post a Comment

0 Comments